nakahakbang narin ako sa Sapangbato, mula sa Clark, Main Gate, papasok sa bayanihan at papuntang sapangbato, ako ri'y naka ikot na mula sa xevera papuntang bamban paakyat ng bundok at papuntang groto, little baguio, zoocobia, pababa ng bundok at padaan sa pader ng clark at lumabas sa Sm City Clark ng nasa walong oras n pagtakbo, iyon ay isang hindi matatawarang pangyayari na aking naranasan at ginawa. sa mga araw na lumipas kami ng aking team "trackters ay pumupunta ng sapang bato upang bigyan ng parangal ang aming sarili sa mga bagay na aming napagtagumpayan, mga bagay na aming naamit, at mga bagay na aming naiuwi, ang pag pasyal sa isang lugar upang magpahinga ay isang napakasayang bagay na mangyayari upang maranasan ng bawat mananakbo, na kung saan doon lamang kayo kakain ng sabay sabay, iinom ng bagong sungkit na buko at maglalakbay sa mahabang sapa. bilang isang mananakbo aking isinapuso at binigyang buhay ang aking dalawang paa upang makaranas ng ibat ibang mga kayamaman sa aking paghakbang."









No comments:
Post a Comment