Tila bang isang lukot na puting papel ang ating pagsasama, mga bakong kaniya kaniya at linyang hindi mawari kung saan pupunta, ito nga ba'y maaayos pa? o mananatiling hindi kaaya-aya?
sa pagtahak sa pagsubok na dinaanan batid ko'y tayo'y minsan ding nahirapan, boses na hindi nagtutugma at gawang walang katama tama subalit sa likod nito ito ang naging instrumento upang unti-unting mapatag at magkaroon ng kulay na bubuhay sa ating pagsasama.
Tayo ay natuto sa mga pagkakamaling ating nagawa, ito ba'y isa bang himala? o sadiyang tayo lamang ay nagtiwala?
At sa isang iglap, tayo'y naging isa at nagtatag ng matibay na pundasiyon sa ating puso't isipan. Sa bawat pagsubok na hinarap; mga salita ay nagsama sama, kilos na nagkaisa at pusong humawak sa layunin at hangarin ng bawat isa.
Akin ngang masasabi na tayong naging kahanga hanga at taas noong ipagmamalaki na tayo ay nakalampas sa pagsubok na tinahak. Laging tandaan na hindi sukatan ang gintong medalya o ang limpak limpak na sertipiko upang tayo'y maging kahanga hanga, atin lamang namnamin ang bawat minuto na tayo'y magiging maligaya sa pagsubok na nadaraanan, at muli, kami po ang grupong kahel na hindi napapagod.
THE INDEFATIGABLE ORANGE TEAM!
-Ang Lukot na Papel-
ni: Renzo John Bondoc